Advertisers
HINIKAYAT ni Senador Risa Hontiveros ang administrasyon na rebyuhin ang political commitments nito sa Beijing partikular ang ‘One China Policy’.
Ginawa ni Hontiveros ang reaksyon kasunod nang paulit-ulit na pagbatikos ng China sa Pilipinas sa paglabag umano sa kasunduan.
Wala, aniya, karapatan ang China na manduhan ang mga Pilipino kung ano ang dapat sabihin.
“In any case, China has no business telling Filipinos what to say or not. Wala silang karapatan pagmanduhan tayo gaya nang wala silang karapatan maglayag diyan sa West Philippine Sea,” ani Hontiveros.
“As I’ve called for before, we must review this so-called One China Policy. China has done far worse things in our territories compared to a congratulatory message to Taiwan,” ayon pa kay Hontiveros.
Binanggit din ng senadora na dapat sama-samang aktuhan ito ng administrasyon.
“We cannot have the President, the chief architect of foreign policy, say one thing, while the Department of Foreign Affairs says another,” punto pa ni Hontiveros.
Matatandaang nito lamang Lunes ng gabi binati ni Marcos ang bagong halal na presidente ng Taiwan na si Lai Ching-te. (Mylene Alfonso)