Advertisers
Lumagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang National Youth Commission (NYC) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), na hudyat ng isang napakalaking hakbang sa pasulong sa pangako nitong protektahan at pangalagaan ang karapatan at kinabukasan ng kabataan sa loob ng vulnerable sector.
Ang pagsisikap na magtulungan, nagpapakita sa MOA na binibigyang-diin ang magkasanib na pangako ng parehong ahensya sa pagbuo ng mga iniakmang programa upang tugunan ang mga natatanging hamon na kinakaharap ng kabataang Persons Deprived of Liberty (PDL).
“Sa ugnayang ito ng NYC at BJMP, hindi lamang mga youth PDL na mayroong kasong may kinalaman sa terorismo ang iniaangat natin, kundi ang lahat ng youth PDL sa ilalim ng ating pangangalaga — mga survivor at biktima ng gender violence, mga kabilang sa LGBTQIA+, yaong mga kabataang biktima ng pang-aabuso, mga solo parents. Lahat sila ay sakop ng kooperasyong ito,” wika ni BJMP chief Jail Director Ruel Rivera.
Dinalihan ang MOA signing ni BJMP chief Jail Director Rivera, NYC Chairperson Ronald Gian Carlo Cardema, mga miyembro ng BJMP Command Group, at mga tauhan ng BJMP.(Ernie dela Cruz)