Advertisers
NAGBIGAY ng tribute si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa negosyante at pilantropong si John Gokongwei Jr. sa inagurasyon ng Petrochemicals Manufacturing Complex sa Batangas City.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng expanded facility ng JG Summit sa lungsod, iginawad ni PBBM ang kanyang pagpupugay at pagkilala kay Gokongwei sa walang kapantay na pagmamahal at malaking kontribusyon sa buhay ng mga Pilipino at sa bansa.
Binigyang-diin ng Presidente ang kahalagahan ng pasilidad bilang, hindi lamang isang cutting-edge technology, kundi pagpapakita ng kasanayan at kumpiyansa ng manggagawang Pilipino, at ang malaking pangarap ni Gokongwei.
Maliban dito, binanggit ni Pangulong Marcos kung paano si Gokongwei ay umangat mula sa kanyang simpleng simula hanggang sa naging estado nito noong nabubuhay pa bilang isang mahalagang bahagi ng mga proyektong pang-nasyonal, kahit noong nawalan siya ng ama at yaman noong siya’y bata pa, kung saan nagbibisikleta siya para magbenta ng produkto at suportahan ang kanilang pamilya.
Ayon sa Pangulo, si Gokongwei ay nagsimula nang ipatupad ang “Build, Better and More” bago pa man ito naging isang aksyon sa pamamagitan ng malawakang portfolio ng JG Summit mula sa eroplano patungo sa mga negosyong may kinalaman ng kemikal at iba pa. (Gilbert Perdez)