Advertisers

Advertisers

Direktiba ni Mayor Honey sa lahat ng tanggapan sa City Hall para sa Sto. Niño Fiesta procession

0 15

Advertisers

NAGLABAS ng direktiba si Mayor Honey Lacuna sa lahat ng kinauukulang tanggapan sa City Hall na gawin ang kanilang tungkulin upang matiyak na mapayapa ang pagsasagawa ng Sto. Nino Feast procession sa Linggo sa Tondo (January 21, 2024).

Partikular na kinausap din ng alkalde ang newly-promoted Manila Police District (MPD) Director Gen. Arnold Thomas Ibay sa posting at deployment ng sapat na bilang ng uniformed personnel sa mga ruta na dadaanan ng prusisyon na inaasahang dadagsain matapos na ipatigil ito dahil sa pandemya, tulad din ng ‘Traslacion’.

Imo- mobilize din sa nasabing araw ang Manila Traffic and Parking Bureau, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, city hospitals, City Engineer’s Office at ang Department of Public Services.



Ang pista ng Sto. Nino, ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo ng Enero at ginagawa taon-taon sa Tondo hanggang sa magkaroon ng pandemya.

Dala-dala ng mga deboto ang estatwa ng kanilang Sto. Nino sa kanilang malayong paglalakad bilang parangal sa Holy Child Jesus.

Ang event ay Isang malaking tradisyon na ipinagdiriwang ng mga Katolikong Pinoy at tinatampukan din ng prusisyon, Ati-atihan, street dancing, banner-waving at chants ng ‘Viva, Sto. Nino!’, pati na ang pagdaraos ng Isang buong araw na misa.

May 500 taon na ang nakakaraan sinasabing may fleet ng limang barko na pinamumunuan ng Portuguese navigator na si Ferdinand Magellan unang tumapak sa Cebu noong 1519.

Sinasabi sa kasaysayan na bilang paglilingkod sa Espanya, ipinakilala ni Magellan sa mga Philippine natives Ang Kristyanismo at ang imahe ng sanggol na si Jesus Christ. Ito ay prinisinta na Reyna ng Cebu upang maingat na itago.



Kaugnay ng nasabing okasyon, ang MPD ay nag-anunsyo ng road closures at rerouting scheme simula 12:01 ng January 20.

Ang naka-scheduled para isara ay ang N. Zamora Street mula Moriones hanggang Chacon Streets; Sta. Maria St., mula Moriones St. hanggang Morga St.; J. Nolasco St. mula Morga St. hanggang N. Zamora St. at Morga St. mula J. Nolasco St. to Juan Luna St.; Ortega St. mula Asuncion St. hanggang Soliman St.; Lakandula St. mula Asuncion St. hanggang Ilaya St.; Ilaya St. mula Lakandula St. to CM. Recto Avenue; Chacon St. mula N. Zamora St. hanggang Juan Luna St. at Soliman St. mula Morga St. hanggang N. Zamora/Ortega St.

Ang mga sasakyan na papunta sa Vehicles Tondo Church mula J. Nolasco St. ay maaaring kumanan sa Morga St., diretso ng Tuazon St. at Wagas St., o kumaliwa sa Asuncion St. papuntang C.M. Recto patungong sa kanilang destinasyon.

Lahat ng sasakyan mula Pritil ay maaring gamitin ang N. Zamora St. at kumaliwa sa Moriones St. patungong Juan Luna St. papunta sa kanilang destinasyon.

Samantala, ang manggagaling Naman ng C.M. Recto/ Asuncion St. ay maaring kumaliwa sa Lakan Dula St. patungong sa kanilang destinasyon. (ANDI GARCIA)