Advertisers

Advertisers

Barangay kapitan sa Laguna pinatay habang nagka-kape

0 43

Advertisers

LAGUNA – Nasawi ang isang OIC Barangay Chairman nang pagbabarilin habang nagka-kape sa balkonahe ng kanilang bahaynitong Biyetnes ng umaga sa Asia 2, Barangay Canlubang, Calamba City.

Kinilala ang biktima na si Mario Jun Castillo Cogay, 65-anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Sa report na ipinadala kay Laguna Provincial Police Director, Colonel, Harold Depositar, 5:30 ng umaga habang nagka-kape ang barangay kapitan nang pumasok sa gate ng kanilang bahay ang isang lalaki at kaagad pinaputukan ang biktima gamit ang maigsing baril.



Narinig ng kinakasama ng biktima na si Dionisia Carida Rodriguez, 63, ang mga putok ng baril, at nakita nito ang nakahadusay na duguang katawan ng mister. Nakita rin ng ginang ang mabilis na pagtakas ng dalawang lalaki na nakasuot ng kulay itim na jacket, maong na pantalon at kulay silver na helmet (driver ng motor), at ang backride ay nakasuot ng itim na helmet.

Dinala sa pagamutan ang biktima ngunit ‘dead on arrival’ na ito.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa krimen.(Roy Tomandao)