Advertisers
KAAGAD nasawi ang isang delivery rider nang barilin sa ulo habang nagde-deliver ng parcel sa Harbour Homes sa Barangay. Halang, Naic, Cavite.
Kinilala ang biktima si Joseph Zyrro Joya, nasa hustong gulang.
Sa ulat, 3:16 ng hapon nang maganap ang pamamaril.
Bitbit ng biktima ang parcel na ide-deiliver nito sa nasabing lugar nang biglang dumating ang isang lalaki na armado ng maiksing baril at pinaputukan siya nang malapitan sa ulo. Mabilis na tumakas ang salarin.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng follow-up operation at investigation ang pulisya sa insidente.