Advertisers

Advertisers

Walang suhulan o pamimilit mula sa Kamara para sa people’s initiative – Rep. Tulfo

0 8

Advertisers

KLINARO ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na walang direktiba mula sa liderato ng Mababang kapulungan ng Kongreso para pilitin o mag-alok ng pera sa mga tao para suportahan ang people’s initiative campaign para baguhin ang ilang probisyon ng Saligang Batas.

Ginawa ng mambabatas ang naturang paglilinaw matapos magpahayag ng pagka-alarma si VP Sara Duterte sa umano’y signature buying o suhulan sa isinusulong na signature campaign para sa charter-change at para magkasamang bumoto ang 2 kapulungan ng Kongreso sa halip na magkahiwalay sa pagpapalit ng konstitusyon.

Siniguro naman ni Cong. Tulfo sa publiko na mananatiling nakapokus ang kapulungan sa ibang legislative work sa gitna ng naturang inisyatibo.



Una rito, sinabi ni VP Sara sa isang statement na patuloy umanong nangyayari araw-araw ang pamimigay ng pera kapalit ng pirma para sa people’s initiative sa lungsod ng Davao at iba pang bahagi ng bansa.

Isa umano itong repleksyon ng pagkahilig ng mga politiko na bumili ng boto tuwing halalan.

Inihayag din ng Bise Presidente na ito ay pagsasamantala sa kahirapan ng mga mamamayan at kawalan ng respeto sa kanilang karapatan na magdesisyon nang malaya, walang takot o impluwensiya gamit ang salapi.

Sumasalamin din aniya ito sa kawalan ng pakialam ng mga politiko sa tunay na kalagayan ng mga ordinaryong Pilipino.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">