Advertisers
INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na titiketan na sa unang araw ng Pebrero ang mga pampasaherong jeep o mga sasakyan na hindi pa nakapag-consolidate sa ilalim ng PUV modernization program.
Paliwanag ni MMDA Acting Chairman Romando Artes, titiketan nila ang mga pumapasadang hindi nakatalima sa consolidation at maaari ring i-impound ang mga sasakyan.
Dagdag pa ng opisyal na magsasagawa rin sila ng random checkpoints para suriin ang mga dokumento ng mga drivers.
Ani Artes, ‘random’ lang ang gagawing pag-check sa mga dokumento ng mga drivers upang hindi naman ito magdulot ng abala sa mga commuters at iba pang motorista.