Advertisers
NANAWAGAN ang Land Transportation Office (LTO) sa mga may-ari ng mga pampasaherong jeep na hindi na-consolidate na e-drop sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa upang maiproseso ang pagrerehistro ng kanilang sasakyan bilang isang private vehicle.
Ayon sa LTO, kung hindi ito gagawin ng mga may-ari ng mga sasakyan ay maituturing na silang kolorum.
Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza, base sa kanilang datos nasa 42,000 na mga jeep ang may prangkisa pero umaabot lamang sa 22,000 ang mga rehistradong pampasaherong jeep sa ngayon.
Maglalatag din ang ahensya ng mas maraming traffic enforcers sa buong bansa sa darating na Pebrero 1 para manghuli sa mga unconsolidated jeepneys.
Sa ilalim ng PUV modernization program, kapag hindi nakapag-consolidate ay automatic ma-revoke ang prangkisa ng mga pampublikong jeep ngayong taon.