Advertisers
Malaking kabawasan sa bilang ng unemployed sa bansa o sa Lungsod Quezon ang 50 kababaihan na nagtapos sa 15-araw na pagsasanay para sa reflexology bilang bahagi ng isa sa mga programa ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto kaugnay sa lumolobong bilang ng mga walang trabaho sa bansa.
Katunayan sa pagtatapos ng 50 kababaihan, ito ay sinaksihan o dumalo mismo si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto hindi lamang para batiin ang mga nagtapos kung hindi para suportahan, bigyan ng lakas at pag-asa na sa pamamagitan ng kanilang natutunan sa nasabing kurso, ito ay magamit para magkaroon ng dagdag sa kita.
Sa nasabing okasyon, pinangunahan din ni Sotto ang pagbibigay ng ayuda “cash” sa ilalim ng kanyang programang Small Income Generating Assistance (SIGA) sa 120 indibiduwal.
Ang Reflexology and Massage Services Training ay pinangunahan at isinagawa ng mga professional reflexology trainor na si Emelita Wong sa Nitang Women’s Federation Center sa Barangay Gulod, Novaliches at sa Brgy. Commonwealth Multi-Purpose Hall.
Sa isinagawang simpleng pagtatapos na ginanap sa city hall, binahagian din ni Sotto ang mga graduate ng massage kits na kanilang gagamitin sa pagmamasahe o reflexology services sa kanilang mga kliyente para sa kanilang karagdagang income kung saan ay malaki ang maitutulong sa kanilang sarili o sa kani-kanilang pamilya.
Tulad ng naunang nabanggit, nagbigay din ng ayudang cash si Sottto sa 120 indibiduwal bilang bahagi ng kanyang programang SIGA para gamitin puhunan sa ano man negosyo na nais nilang pasukin “small entrepreneurs”.
Ang mga napiling beneficiaries ay mula sa anim na distrito ng lungsod kung saan dumaan sila sa evaluation na isinagawa ng mga tauhan ni Sotto sa kanyang tanggapan.
Inalaman mabuti kung may kapasidad na magpatuloy o magpatakbo ng isang maliit na negosyo ang mga ito.
Ang programa ni Sotto ay naging matagumpay dahil din sa tulong at suporta ng local Social Services Development Department chief manpower development na pinamumunuan ni Elma Delos Reyes Ocrisma.
“The beneficiaries had also undergone a training for basic business management skills and strategies and financial literacy training before receiving their monetary support,” pahayag ni Sotto.
Simpleng programa, pero isang napakalaking bagay o tulong ito sa 50 kababaihan na nagtapos. Sa pagiging “licensed refloxologies” ay magkakaroon ng kayo ng dagdag kita lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Hindi lamang ito, sa halip ay maari rin kayo makapagtabi sa kita ninyo at gagamitin para pang-umpisa ng maliit na negosyo tulad ng sari-sari store o ano man tulad nito.
Sa mga nabahagian naman ng ayudang cash para sa maliit na negosyo, nawa’y mapalago niyo ito…para sa karagdagang pangunahing pangangailangan.
Sa inyo naman VM Sotto, maraming salamat sa inyong patuloy na pagtulong sa mga kababayan natin. Nawa’y maraming pa kayong itataguyod na proyekto upang ang lahat lalo na ang mga tambay sa kanto o mga “marites” ay magkakaroon ng hanapbuhay…gagamitin nila sa tamang paraan ang kanilang mga oras.