Advertisers

Advertisers

LTFRB nanindigan ‘di magkakaroon ng transport crisis sa Metro Manila

0 7

Advertisers

NANINDIGAN ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi nito nakikitang magkakaroon ng transport crisis sa Metro Manila kahit pa mayroong 300 ruta ang walang nakapag-consolidate na jeepney entities.

Pahayag ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, karamihan sa mga hindi nag-consolidate na entities ay maikling ruta lamang na maaari namang saklawin ng mga nag-consolidate na mga dyip na namamasada sa mas mahabang ruta.

Liban dito, ayon sa opisyal ay mayroong iba pang modes of transportation na dumadaan sa mga ruta na nabakanti o walang nag-consolidate na jeepney entities.



Tiniyak din ni LTFRB National Capital Region Director Zona Tamayo sa publiko na ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ay mayroong consolidated entities para serbisyuhan ang mga komyuter.

Samantala, nakatakdang ilabas ngayong linggo ang pinal na listahan ng mga ruta matapos na madoble ang naunang datos hinggil sa mga ruta kung saan nag-overlap ang short-distance at long-distance routes.