Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
GUWAPO, hunky, isang konsehal ng San Juan City at artista sa pelikula at telebisyon, pero loveless si Ervic Vijandre.
Pero choice iyon ni Ervic, or should we say wala siyang sapat na panahon para igugol sa pakikipagrelasyon sa ngayon.
Sa interview ng friend naming si Arniel Serato kay Ervic na lumabas sa PEP.PH, sinabi ni Ervic na “Kasi nga, dahil sa ganito yung mindset ko na pinapahalagahan ko yung mga nasa paligid ko, ng mga opportunity ko, siguro yung mga nakikilala ko, yung hindi nila… hindi pa sila swak dun sa mundo ko ngayon.
“Konti lang talaga yung time ko sa ganito, para sa sarili ko.
“Iniisip ko kasi talaga yung sarili ko is para sa ganito, para sa tao, para sa ganyan.”
Pero kasama naman sa plano ni Ervic na someday ay magkaroon ng misis at mga anak.
Lahad ni Ervic, “Well, ako kasi, based on my experience, sa mga nangyari sa akin sa buhay, napunta ako dun sa mindset na gusto kong maging successful, maging matagumpay.
“Hindi ko lang alam kung kailan ko sasabihin na nandun na ako.
“So siguro, yung ganyan, yung mga tanong na, dahil hindi ka na bumabata, ganyan-ganyan, siguro puwede ko naman, pag-iniisip ko… yun lang nga lang talaga ang kulang.”
Pag-amin pa ni Ervic, may pagkakataon na naghahanap talaga siya ng karelasyon.
“Alam mo ba, may time na hanap ako nang hanap, napi-pressure ako.
“Kaya kailangan, by this age, ganito na, ganito na.
“So, iniisip ko, swak to, kapag nakuha ko to, nagawa ko to, eto na.
“Pero hindi pala ganun, e.
“So, andun na lang ako, sa akin, pag dumating, dumating.
“Kung hindi, tina-try kong humanap ng saya, happiness sa ibang bagay.”
Bukod sa pagiging abala sa kanyang mga constituents sa San Juan, aktibong muli si Ervic sa showbiz; pagkatapos niyang maging guest sa Black Rider ni Ruru Madrid ay nasa cast naman siya ng Love. Die. Repeat. nina Jennylyn Mercado at Xian Lim.
Negosyante rin si Ervic dahil kabubukas lamang niya ng panibagong Tipsy pig restaurant branch sa Westgate sa Alabang bukod pa sa branch ng Tipsy pig sa Timog.
***
MAG-ina ang papel nina Geraldine Jennings at Lotlot de Leon sa upcoming film na Isla Babuyan.
Iisa ang manager nina Lotlot at Geraldine, si Leo Dominguez.
Kuwento ni Geraldine tungkol sa una niyang pagsabak sa pagpepelikula, “It was an amazing experience!
“It was challenging initially because it’s very different from studying it but everyone was so helpful, so friendly.
“And it was really natural to me. It was natural and felt normal. It felt great, I love it!”
Kasama rin sa cast ng Isla Babuyan sina Jameson Blake, Paolo Gumabao, Dave Bornea, James Blanco, Nathalie Hart, at Samantha da Roza.
Pagkanta ang unang hilig ni Geraldine.
Lahad ni Geraldine, “From my young age, I love singing.
“My mom enrolled me at singing classes and guitar classes.”
Impressive ang background ni Geraldine sa music.
Fourteen years old siya noong sumali siya sa Teenstar UK singing competition at hindi man pinalad na magwagi ay nakaabot siya sa sa final round.
Sumali rin at wagi si Geraldine sa prestigious na Future Music Development Award in the Open Mic UK singing competition at nakapag-perform din siya sa O2 Arena sa London.
Dalawa sa musical influences niya sina Miley Cyrus at Dua Lipa.
Born in the Philippines si Geraldine na Irish/British ang amang si Frank Jennings at ang kanyang ina namang si Gina Cariaga Jennings ay ipinanganak sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Pangalawa siya sa apat na magkakapatid na babae.
Kuwento pa ni Geraldine, “Nursery to Year 2, I went to a private school, British School Manila in BGC,” salaysay ni Geraldine.
“When I moved to UK in 2009, I moved to Edinburgh, and I attended both private schools Fettes College, and in my last year of high school, I attended Loretto School.”
“I returned to the Philippines three times a year during my vacation. We have a second home in Manila.
“After high school, I went to Loyola Marymount University in Los Angeles, California for one year, and took Business Management with Music And Acting.
“Now, I am currently studying in the University of London.”
Keri naman niya na magpabalik-balik sa London at sa Pilipinas lalo pa kapag malapit na ang showing ng Isla Babuyan.
Produced ito ng Solid Gold Entertainment Production, screenplay ni Jessie Villabrille, at concept ni Leo Dominguez Jessie Villabrille at Bam Salvani.
Line produced ito ni Dennis Evangelista at sa direksyon ni Abdel Langit.