Advertisers
Sa mga panahong ito na halos hindi magkaganda-ugaga ang administrasyong Marcos Junior sa mga suliraning pan-loob at pan-labas ng bansa…hindi rin naglulubay ang mga pwersang sumasabay sa nagaganap na labu-labo sa pagsusulong ng kani-kanilang interes-pulitikal na umaalingawngaw ngayon sa tawag na Charter Change o Peoples Initiative.
Uunahin ko ang anarkiya sa lansangan na hindi rin tipong kaya ng mga ahensiyang nakatutok ang paglobo ng mga sasakyang wala namang karapatang gumamit ng lansangang nasyunal at mandi’y sila ang naghahari sa national road sa bansa—ang mga tricycle at e-motorized bikes at trikes na sa gitna mismo ng lansangan namamasyal o nagpapahangin. Na kapag sinabihan mong tumabi dahil sa fast moving vehicles dapat ang nas gitna…sisinghalan ka pa!? At kung madisgrasya mo siya, sasabihin ka ng imbestigador na wala kang maikakatwiran dahil nasaktan mo ang iresponsableng tsuper at pagusapan ninyo o settle down with financial consideration…ngunit ikaw ang nasa tama at siya ang naargabyado? e, paano ang katangahan ng iresponsableng tsuper na labag sa regulasyon ng Land Transportation Code ang ginawa at inasal ng ungas na tsuper? Nasaan ang hustisya? Walang karapatan sa lansangan na bumaybay… siya pa ang pinanigan ng batas?
Sa talaan ng PNP HPG, maging ng MMDA ang bilang ng motorcycle and the like- related accidents and deaths on roads and highways, wala nang hihigit pa. Kung bakit kasi– ang mga ngangayon lang natututong magmaneho lalo na ng motorsiklo at kuwestyunin mo ang lisensya– talahib! Pekenis! Malabon! o Recto na katawagan ng mga fixer sa labas o loob ng LTO sa buong Pilipinas! Na kapag nauwi sa kasuhan, walang hambing na pagbabasehan. Ikaw na responsable at lisensyadong motorista na napakamahal ng sasakyang minolestiya nitong si iresponsableng motorsiklista na peke ang lisensya…e sasabihan lang ng husgado na hayaan na lang ang mga insurance agents ninyo ang magusap at itong si ungas na motorsiklista ay pagbabayarin ng damyos na wala namang ilalarga? Nasaan ka ngayon responsableng lisensyadong motorista? Naparehas ka ba o hanggang duon na lang ba ang katarungan para sa aberya at abalang idinulot sa iyo?
Sa maraming nagsasabi…ang political will na kailangang pagibayuhin ay salat sa alab mula sa puso ng mga nakaupo sa pamahalaan! Walang pangil, walang tapang na nakikita upang ang mga umiiral na batas ay maisakatuparan ng walang pinapaboran o walang kinikilingan!
Mayroon nga bang nabago mula ng nagka-COVID 19 na kumitil sa buhay ng maraming Pinoy ? Ang kabalintunaan ay mayroong kaguluhang nagumpisa na sa halls of Congress hanggang sa corridors of the Senate. Umuugong na nuon pa na may mga nagsusulong na maamyendahan ang Konstitusyon — na kung bakit? e, sila lang na mga pasimuno sa mababa at mataas na kapulungan ang nakakaalam. Dumating na nga araw na isa-isa silang naglalawitan…2 mambabatas sa Region5 ang unang bumunghalit, sumunod ang Senate President at ang House Speaker. Me sari-sariling agenda at focus sa mga issues na ibig maamyendahan…economic issues para sa Senate President with buntot na if it that exceeds, he is willing to step down from his position. And, that is already broadcast nationwide…trimedia and social media.
Manang Imee Marcos said too: hindi napapanahong pagusapan iyan. And House Speaker Martin Romuladez said he has nothing to do with the signature campaign for the so called Peoples Initiative. Pero ano ba talaga ang nag-trigger sa mga kaganapang ito sa political scenery ng Pinas? Sa susunod na pitak ng Sabi ni Koyang, talakayin natin kung ito bang issue na ito ay makapagaangat ng level ng kabuhayan ni Juan dela Cruz?!