Advertisers

Advertisers

Totoo kaya ito? MAGPINSANG MARTIN AT IMEE SAGUTAN SA CHA-CHA!

0 13

Advertisers

DIREKTANG inakusahan ni Senador Imee Marcos ang opisina ni House Speaker Martin Romualdez, na kanyang pinsan ang pasimuno umano hinggil sa kontrobersyal na people’s initiative para sa isinusulong na Charte Change (Cha-Cha).

Ayon sa Presidential sister, ito ang kanyang naging konklusyon matapos na maobserbahan ang sinasabing paper trail ng mga materyales at iba pang dokumento nito na may kaugnayan sa people’s initiative.

“Napakaraming text, utos, napakaraming form, lahat nanggaling sa kanila. Yung schedule, yung timeline, yung form, clearly derives from the Speaker’s office… Kumpleto pa yung pangalan ng kaniyang mga assistant, si Atty. ‘ek-ek’ at yung isang staff member, maliwanag naman kung san galing,” pahayag ni Marcos sa press briefing.



Ayon kay Imee, ang tanggapan ni Romualdez ay “tiyak” na kasama aniya sa pangangalap ng mga pirma mula sa mga botante.

“Definitely opisina niya ang nag-alok ng P20 million kada distrito, definitely galing sa kanila yung timeline na July tapos na ang lahat… That derived from his office with very clear numbers identifying the staff members at attorneys involved,” saad ng senador.

Kaugnay nito, suportado rin ni Sen. Joel Villanueva ang naging pahayag ni Marcos hinggil sa mga ebidensya na magtuturo mula sa inisyatiba ng mga Kongresista.

“Naggagawa na po ako ng listahan. Mayors, even governors… These are the complaints at mga pinapadala sa atin,” diin pa ni Villanueva.

Bilang tugon naman sa akusasyon ni Marcos, tinawag naman ni Romualdez ang kanyang pinsan na “marites” o gossipmonger at hinimok itong magbigay ng patunay sa kanyang akusasyon ng panunuhol.
“That is baseless. Siguro kausapin ko na lang siya. Nagma-marites siguro, nakikinig sa mga marites. I’d like her to prove it and she has the proper means and ways. She can go to whatever court or agency,” giit ni Romualdez.



Nauna nang sinabi ni Romualdez na bagama’t wala siyang kumpas sa people’s initiative, nirerespeto niya ang kalayaan ng mga tao na simulan ang hakbang.

Binanggit din ng Speaker na malaya si Marcos na makipag-ugnayan sa kanya anumang oras upang ayusin ang hindi pagkakaunawaan.

“Di ako nagtatampo sa kaniya, I respect her as my cousin, as my senator and we leave it at that. And I’m free anytime, she can give me a call, she can text me anytime to clarify anything. But if she prefers to do it out in the media, that’s her prerogative but there’s no truth to that,” dagdag pa ni Romualdez.

Nabatid na nakatakdang magsagawa ng pagdinig sa susunod na linggo ang Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation na pinamumunuan ni Marcos tungkol sa legalidad ng people’s initiative.

Aniya, malayang dumalo si Romualdez at iba pang mambabatas sa Kamara para linisin ang kanilang mga pangalan.

“Mahirap magtrabaho kapag ganito. Hindi naman kami tutol sa P.I. Pero wag naman ganito na napakalabo at labag pa sa batas at ginagamit pa ang pera ng bayan,” hinaing pa ni Marcos. (Mylene Alfonso)

Martin: Patunayan ang alok na P20m sa bawat distrito
MARIING itinanggi ni House Speaker Martin Romualdez ang alegasyon na binigyan ng tig-P20 million ang mga distrito na makakuha ng mga pirma para sa isinusulong na Peoples Initiative na layong amyendahan ang 1987 Constitution.

Ayon kay Speaker Romualdez, walang basehan ang naging pahayag ng kaniyang pinsan na si Senador Imee Marcos at kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may inaalok na P20 million sa mga distrito.

Naniniwala si Speaker na posibleng narinig lamang ito ng senadora sa mga marites.

Hinamon din ni Romualdez ang pinsang senadora na patunayan ang kaniyang alegasyon lalo at maraming mga marites o walang basehan na tsismis ang lumalabas sa Senado.

Pinasinungalingan din ni Speaker na nakausap niya ang pinsang senadora sa katunayan hindi sila nagkita noong holiday season at walang pagkakataon na sila ay nag-usap.

Klinaro rin ni Romualdez na hindi siya nagtatampo kay Sen. Marcos bagkus kaniya itong nirerespeto lalo na sa kaniyang mga opinyon.

Bukas naman si Speaker na makipag-usap sa kaniyang pinsan ng sa gayon malinawan ang anumang mga isyu.

Samantala, inihayag din ni Speaker na hayaang magdesisyon ang taumbayan, respetuhin ang proseso ng Peoples Initiative.

Sa kabilang dako, nagsalita narin si Pangulong Ferdinand Marcos kaugnay sa isyu na suhulan sa pangangalap ng pirma.

Ayon sa Pangulo wala itong katotohanan, ang nakarating lamang sa kaniya ay ang pag-alok ng mga serbisyo.