Advertisers

Advertisers

Bangka tumaob sa Palawan: 7 pasahero nasagip

0 5

Advertisers

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong pasahero nang tumaob ang sinasakyang bangka sa Roxas, Palawan.

Sa report ng PCG, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng insidente sa bisinidad ng Isla Verde, Roxas nitong Enero 25.

Pinangunahan ng BRP Melchora Aquino ang pagresponde sa lugar na nagresulta sa pagkakaligtas ng pitong pasahero.



Patungo na nasa sa Poblacion, Araceli, Palawan ang nasabing bangkang de-motor mula sa kalapit na Barangay Calandagan nang hampasin ito ng malakas na hangin at malalaking alon.

Matapos mailigtas, kaagad na binigyan ng medical assistance ang pitong pasahero bago sila dinala sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang mabigyan ng karagdagang tulong.(Jocelyn Domenden)