Advertisers

Advertisers

Daan-daang residente sa Cavite na-trap sa baha

0 212

Advertisers

DAAN-DAANG residente sa bayan ng Noveleta, Cavite ang na-trap sa kanilang mga bahay dahil sa malalim na baha bunsod ng malakas na ulang dala ng bagyong Ulysses.
Ayon kay Noveleta Mayor Dino Chua, dahil sa malakas na buhos ng ulan ay umapaw ang Ilang-Ilang River kaya nagbaha at napilitan ang mga otoridad na isara ang Noveleta crossing sa mga motorista.
Kinumpirma ni Chua na nasa 1,000 residente sa bayan ang na-trap sa mga bubungan ng kanilang bahay.
Sinabi ng alkalde na hiniling na nila sa Philippine Coast Guard at Philippine Red Cross na magpadala ng rubber boats para i-rescue ang mga na-trap na residente. (Irine Gascon)