Advertisers
SINIGAWAN ng isang retiradong prosecutor ang road-clearing team ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nang sitahin ang kanyang sasakyan na iligal na nakaparada sa kalsada.
“Alam ko ang batas! I’m a retired prosecutor! Kare-retiro ko lang,” anang galit na motorista na hindi na pinangalanan.
Aniya, iniwan niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada sa harap ng simbahan upang dumalo sa misa kasama ang kanyang pamilya. Hindi aniya alam na bawal pumarada roon.
“Na-heart attack na ako kaya ‘wag ka ganyan! Umalis ka na rito! Sige tiketan na n’ya,” anang motorista nang komprontahin si Officer-in-Charge MMDA Special Operations Strike Force Gabriel Go.
“Calm down, calm down. I’m talking to you nicely,” tugon ni Go.
Matapos ito, sinabi ng MMDA na uminom ang lalaki ng kanyang anti-hypertension medicine.
“Tama yung ginagawa nila. Ngayon ko lang nalaman na bawal,” anang nasitang motorista nang lumagda sa citation.
Nag-isyu ng violation ticket subali’t hindi na-tow ang sasakyan.
Sa huli kinilala ng motorista na nagkamali siya.