Advertisers
LUMAHOK si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-37 Asean Summit sa pamamagitan ng video conference na nagsimula nitong Huwebes, Nobyembre 12 at tatagal hanggang sa Linggo, Nobyembre 15.
Ang pangunahing tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga leader ng bansa na mga ASEAN Member ay ang pagtugon sa Covid-19 pandemic at pagsisikap na makarekober, ayon sa Office of the President.
Inaasahan din ang ilang posisyon ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang isyu na may kaugnayan sa public health emergency cooperation, regional integration, karapatan ng migrant workers at usapin sa climate change.
Maliban dito, maari rin pag-usapan ng pangulo ang tungkol sa Disaster Risk Reduction Management, Counter-Terrorism at ilang kontrobersyal na isyu sa South China Sea.
Kabilang sa lalahok sa ASEAN Summit Video conference ay sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez. (Vanz Fernandez)