Advertisers
Cagayan – Apat na mag-anak ang nalibing ng buhay ng gumuhong lupa sa sitio Tueg, Barangay Bitag Grande, Baggao dito sa lalawigan.
Kinilala ang mga biktima na sina Frank Joy Pagulayan, 19; King Jim Bragasin, 18; Ian Philip Pagulayan, 17; at Virginia Bautista, 60 anyos, pawang residente sa naturang lugar.
Ang mga biktima ay nadaganan ng gumuhong lupa sa kanilang tahanan habang silay natutulog nitong Biyernes ng madaling araw.
Posibleng lumambot ang lupa malapit sa bahay ng mga biktima dahil parin sa walang humpay na pag-uulan na dala ng bagyong Ulysses mula pa Huwebes ng madaling araw. (REY VELASCO)