Advertisers

Advertisers

TOBACCO CONTROL MAS PAIIGTINGIN NG MARCOS ADMIN

0 21

Advertisers

NAGPAHAYAG ng matatag na commitment ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-10 Conference of the Parties to the World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (COP10-WHO FCTC) na mas palalakasin pa ang mga pagsisikap laban sa paggamit ng tabako sa Pilipinas.

Sa talumpati ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Dominic Guevara na binasa ni Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary for Digital Media and Communications Patricia Kayle Martin sa Panama, iginiit niya na malugod na tinatanggap ng bansa ang mga positibong hakbang ng mga partido ngunit kinikilala rin ang mga nakaamba pang hamon.

Binigyang-diin ni Guevara na ang ating gobyerno ay may kahanga-hangang progreso sa pagpapatupad ng WHO FCTC dahil ipinakita ng Philippine Global Adult Tobacco Survey (GATS) ang isang makabuluhang pagbaba sa paggamit ng tabako mula sa 23.8 porsiyento noong 2015 hanggang 19.5 porsiyento noong 2021.



Sinabi rin ni Guevara na pinalalakas ng administrasyong Marcos ang multi-sectoral national strategy sa regulasyon ng tabako, kasama ang mekanismo ng koordinasyon sa regulasyon ng tabako ng pamahalaan alinsunod sa mga Artikulo 5.1 at 5.2a ng FCTC.

Aniya, naipasa rin ang Republic Act No. 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, na nagre-regulate sa importasyon, paggawa, pagbebenta, pakete, distribusyon, paggamit, at komunikasyon ukol sa vaporized nicotine at non-nicotine products at iba pang bagong tobacco products.

Ang RA 11900 ay ilan lamang sa iba’t ibang mga lehislaturang hakbang ng bansa tulad ng Tobacco Regulation Act of 2003, Graphic Health Warning Law, at Excise Tax Laws sa mga bagong produkto ng tabako, at iba pa. (Gilbert Perdez)