Advertisers

Advertisers

Sub-leader ng Dawlah Islamiyah, 5 pa patay sa SoCot

0 228

Advertisers

Patay ang isang sub-leader nang tinaguriang Dawlah Islamiyah o local terrorist group at lima pang iba sa isinagawang operasyon ng 5th Special Forces Battalion at 4th Special Action Battalion sa ilalim ng 6th Infantry Division sa South Cotabato.
Kinilala ang napatay na terorista na si Arafat Bulacon alias Maula, sub-leader ng Dawlah Islamiyah (Ansar Khilafa Philippines-Maguid remnants) habang patuloy pang tinutukoy ang pagkakakilanlan ng limang iba pa.
Ayon kay JTF Central at 6th Infantry Division commander, M/Gen. Juvymax Uy naganap ang sagupaan nitong Biyernes ng umaga sa may Purok 6, Barangay Koronadal Proper, Polomolok, South Cotabato.
Sinabi ni Uy, isisilbi sana ng mga tropa ang dalawang arrest warrant sa kasong murder laban kay Bulacon pero nanlaban umano ang mga ito sa mga pwersa ng gobyerno.
Positibong tinukoy si Maula na isa sa mga salarin sa General Santos City bombing noong taong 2018. Sangkot din daw ito sa mga serye ng mga criminal activities sa South Cotabato.(PFT team)