Advertisers

Advertisers

Power supply sa mga nawalan ng kuryente ibabalik sa Nov. 15 – DoE

0 207

Advertisers

Target ng Department of Energy (DOE) na sa susunod na linggo Nobyembre 15 na maibalik ang power supply sa sa lahat ng lugar na nawalan ng kuryente o nakakaranas ng browout matapos manalasa ng bagyong Ulysses.
Sa NDRMMC meeting sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, kaisa ang MERALCO katulong ang mga linemen para sa pinupuntiryang total power restoration sa susunod na tatlong araw.
Ayon pa kay Cusi na as of 6am today, nasa mahigit 5,000 pang MERALCO customers ang hanggang sa ngayon ay wala pang suplay ng kuryente mula sa dating mahigit isang milyon.
Aniya may apat na libong linemen ng Meralco ang nagtatrabaho sa kasalukuyan 24/7 habang nagpapatuloy din naman aniya sa kabilang banda ang assessment na isinasagawa ng NGCP sa mga nasirang transmission lines.
Sa mga nakakaranas ng walang kuryente sinabi ni Cusi na sadyang nagpatay ng kuryente ang MERALCO for safety reason. (Vanz Fernandez)