Advertisers
NAHAHARAP sa kasong ‘grave threat’ ang isang aktibong pulis nang tutukan ng baril ang isang purok chairman na pamangkin ni dating Senador Manny Pacquiao at kanyang pamilya sa Purok 4, Lanton, Barangay Apopong, General Santos city.
Kinilala ang pulis na si MSgt. Steve Piansay Francisco, 43 anyos, nadestino sa Pigcawayan Municipal Police Station.
Sa salaysay ng purok chaiman na si Arnel Pacquiao, nakita nilang natumba sa minanehong motorsiklo ang pulis kasama ang backride nito na si alyas “Allan” dahil sa kalasingan.
Kaagad naman nitong pinuntahan para tulungan sana. Ngunit laking gulat ni Arnel nang biglang nagalit ang pulis at bumunot ng baril, itinutok sa kanya.
Saksi rin sa pangyayari ang kanyang pamilya na kinabibilangan pa ng kanyang mga menor de adad na anak.
Kaagad naman itong nirespondihan ng mga personahe mula sa Makar Police Station at narekober sa posisyon ng pulis ang 9mm pistol na may isang magazine at may 10 bala na siyang ginamit sa panunutok.
Sa ngayon naisampa na ang kasong grave threat laban sa nasabing pulis.