Advertisers
ITO ang pagtiyak ni retired police at umaming “hitman” ng Davao Death Squad na si Arturo Lascañas sa panayam ni Christian Esguerra nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 15, sa programang ‘Facts First’ sa social media.
Ayon kay Lascañas, tiniyak sa kanya ng International Criminal Court (ICC) na kahit bigla siyang mamatay ay tatayo ang kanyang 186 pages computer printed affidavit at higit 200 pages supplemental hand written affidavit laban kay Duterte at sa mga kasabwat ng dating pangulo sa mga pagpatay mula noong alkalde pa ito ng Davao City hanggang sa maging pangulo ng bansa.
Sinabi ni Lascañas na ang kanyang abogado na si Atty. Pedro Ferriera ng Uraguay ang nakakaalam kung kailan lalabas ang ICC arrest warrant laban kay Duterte.
“Maybe within 2 years or three years, I don’t know. Pero siguradong sigurado ang arrest warrant kay Digong Duterte,” pagtiyak ni Lascañas.
Sinabi rin ni Lascañas na ngayong hindi na si Duterte ang presidente ng Pilipinas, nakahanda siyang humarap sa Philippine court. Pero sa ngayon ay sa ICC ang kanyang priority dahil nailahad niya rito ang lahat ng kanyang nalalaman.
Nang tanungin kung bakit hindi tumayo ang kanyang mga testimonya noong ipinatawag siya sa Senado, sinabi ni Lascañas na “maraming alipores si Digong Duterte, babaliktarin nila ang mga sasabihin mong katotohanan, lalasunin nila ang taong bayan.”
Binanggit ni Lascañas si dating Senador Ping Lacson na bumabali sa kanyang mga testimonya noon.
Ipinagdiinan uli ni Lascañas na si Duterte ang “lord ng drug lords” sa Davao City. Kasosyo raw ito ng drug lords na sina Michael Yang, Sammy Uy at Charlie Tan.
Ipinapatay daw ni Duterte ang mga kalaban nilang drug lords at negosyante na sina Danny Ong, Philip Lang, Allan Yap at iba pa, kungsaan ang grupo ni Lascañas ang dumukot.
Tungkol kay Vice President Sara Duterte, sinabi ni Lascañas na sa pagkakasangkot ng una sa ‘war on drugs’ at isa sa mga iniimbestigahan ng ICC, taon 2020 pa (mayor palang si Sara) ay isinama na niya sa kanyang supplemental affidavit si VP Sara bilang “Mother of Tokhang”.
Tinawag naman niyang “Father of Tokhang” si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Si Dela Rosa ang utak ng “Tokhang” noong PNP Chief siya ni Duterte.