Advertisers
SA tindi ng nagaganap na laslasan ng lalamunan sa pagitan ng dalawang sangay ng Kongreso, bagamat natatawa ang madla, nagtataka ang inyong lingkod at nagtatanong kung mayroon ba silang ginagawa upang maibsan ang kahirapan ng mamamayan? Halatang obvious sa ating lahat na ang hakbang ng Mababang Kapulungan na palitan ang ilang probisyon ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas, ay rebisahin o ang sistema ng pamahalaan mula sa ” bicameral” at gawin itong Parliamentary.”
Ang House Resolution #6 ay kinatigan ng ilang mambubutas, este mambabatas sa Mataas na Kaguluhan, este, Kapulungan. Kapuna-puna sin na naki-” ride-on” sa hindi sang-ayon sa HR#6 ang mga kampon ng dating “serial killer” na pangulo. Ang gulo ano? Habang naaaliw ang inyong lingkod sa nangyayaring “laslasan blues,” hayaan niyong himayin ko ang pruweba; upang kahit paano bumandera man lang ang kabayo ng taumbayan, at sa kalaunan, ang mamamayang Pilipino ang panalo sa “winner-take-all.”
Tatlo ang ibinigay na dahilan ng mga mambubutas para baguhin ang Saligang Batas, at tatlo din ang dahilan ng mga hindi sang-ayon sa cha cha. Umpisahan natin sa pakinabang ng cha cha: Una, makakabuti daw kung tatanggalin ang paghihigpit sa pamumuhunan ng mga dayuhan, kasama na dito ang lubos na pagmamay-ari nila ng ari-arian kasama ang lupa. Bukod dito mapapadali ang pagsimula nila ng pagnenegosyo. Pangalawa, pagresolba ng alitan sa pagitan ng pamahalaang lokal (LGU, meyor, congressmen, atbp,) at pambansa (ehekutibo/administrasyon at mataas na kapulungan) sa pamamagitan ng paglinaw ng kani-kaniyang gawain at kapangyarihan, upang iwasan ang hindi paguunawaan at pananagutan.
Ikatlo ang pagkakaroon ng katatagan. Mapapadali ang pamamahala kung babawasan ang ilang kagawaran at mga namamahala, na kasama sa “decision making policies.” Alisin ang mga lumang probisyon at gawing mas abot sa karamihan ang Saligang Batas. Lahat ng ito ay walang maliwanag na paliwanag mula sa nagtutulak ng cha cha. Eto ang nasisipat ng inyong abang lingkod: sa pagbukas ng pagpalit ng ilang probisyon sa Saligang Batas malalantad ito sa kalabisan o pang-aabuso, dahil nakasalalay ang cha cha sa mga halal na opisyal. Hindi kailangan maging pato na may kalahating utak upang makita na pwedeng palawigin ng mga mambubutas ang kanilang kapangyarihan at pahinahin ang mga institusyon ng demokrasya.
Sa maikli, hindi ang Saligang Batas ang problema kundi ang mga nagpapatupad. Pangalawa, ang pagpasya sa mga polisya sa pamahalaan ay mangagaling sa mga nakaluklok, hindi sa naghahalal sa kanila. Sila ang magdedesisyon hindi ang mamamayan. Maliwanag na lantarang paglabag ito sa nakasaad sa Saligang Batas. Pangatlo, walang katiyakan ang mga mungkahi ng mambubutas, bagkus, magkakaroon ng alinlangan sa pulitika, na tiyak aapekto sa ekonomiya ng bansa.
Huwag na nating pansinin ang mga “foreign investments” na ipinangalandakan ng trapo. Pansinin ang epekto nito sa lokal na negosyo. Paano mapapalawig ito? Malilito lamang si Juan de la Cuz kung ano talaga ang karapatan niya bilang mamamayan. Pati ang mga inihalal at iniluklok, maging ang naninilbihan sa pamahalaan; hndi na natin alam kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
Sadyang ginawa napakahirap ang pagbabago ng ating Saligang Batas. Opo, mga giliw kong nagsusubaybay sa abang kolum ko. Ito ay upang hindi basta-bastang baguhin ang nakalaman dito. Upang hindi tangkaing abusuhin ng mga nagmamarunong, nagmamagaling at nagtatangka ang pangkaraniwang mamamayan. Tutuldukan ko ang isyung ito sa pagbigay ng payo sa lahat ng nagmamagaling: Kung hindi magawang alisin, bawasan ninyo ang inyong korupsiyon. Ito ang pinakamalaki at matinding suliranin ng Republika dahil sa korupsyon umuusbong ang abuso, sa korupsyon natatapakan ang karapatan ng mamamayan.
Pangalawa, ayusin niyo ang pamamalakad ng pamahalaan upang maging madali ang paghatid ng serbisyo sa mamamayan dahil ang minumungkahi niyong cha cha ay nangangahulugan ng paghatid ng dagliang serbisyo sa inyong sarili. Sa ganitong paraan magiging madali ang paghatin ng serbisyo katulad ng pangkalusugan, pagaayos ng imprastraktura at “emergancy services”. Utang na loob kalimutan niya na yan. Kung gusto niyong magkamal ng “pogi points” iyan ang atupagin niyo dahil ito ang mas may epekto sa pangkalahatan; hindi ang cha cha.
Pangatlo, at ito pinakamahalagang payo ng inyong lingkod. Ito ang lubusang makakaapekto sa kinabukasan nating lahat: Humalal ang magluklok ng matitinong taong nakahandang maglingkod at manilbihan sa mamamayan, hindi sa mga may pangsariling motibo at ahikain. Nagisnan na natin ang tunay na pagmumukha ng mga taong, sa katungkulan, pansarili lamang ang nais nilang iangat. Kapag sila ang mangibabaw natitiyak ko na guguho ang haligi ng demokrasyang pinaghirapan ng tunay na nag-atang para itayo ito. NO TO CHA CHA!!! Sa nagdaang Araw ng mga Puso nawa’y ito ang regalo ninyo sa Republika ng Pilipinas. Sa panahon ng Kuwaresma, isama natin ito ito sa ating pagninilay. Kasihan tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
Mga Harbat Sa Lambat:
“People get offended when you correct them…
This is why erroneous facts continue…” – José Victor Torres, manunulat, netisen, kritiko
“Man is mortal. Humankind is immortal. Time is limited for mortals but the movement of time is immortal. Men may come and go but time will continue to move on. Nobody can stop its eternal journey. Time is more powerful than the mightiest of men and empires. It has outlived all of them and will continue to overpower future power wielders and power trippers…” – Sahid Sinsuat Glang, dating sugo, netisen, kritiko
“This govt. is too weak on China. We should shut down the Chinese consulates in Davao, Ilocos, and Cebu for starters. Show them we mean business…” – Bob Magoo, rockjock, netisen, kritiko
“3X a day daw sya nagsisimba now. He who he says na pinalitan na nya si satanas? Bigla naging religious? Alam niya na nasa fine tuning stage na ang ICC…” – Chi Yap, netisen, kritiko
***
MALAYANG PANULAAN (FREE VERSE) c/o Ba Ipe:
maging tagamasid ng nagbabangaang bato
huwag umawat, huwag pumanig
huwag pumagitna, huwag tumaya
bayaan malayang gumuhong pababa
tangay ang kastilyo, burak, binurong kung ano
hayaang lamunin ng pinakamalalim na bangin
mabaon – kahit malakas na hangin
di sila kayang hanguin. – Ellen Sicat
***
Jok Taym: (c/o Queen Lanie)
MAN: Ganda mo sa picture, May lahi ka
ano?…
WOMAN: Meron, half-Pilipina, half-filter…
***
mackoyv@gmail.com