Advertisers
NASAWI ang isang barangay chairman at sugatan ang kasamang barangay kagawad nang abangan at pagbabarilin ng nag-iisang gunmansa Barangay Catmon, Ormoc City, Leyte, Bi-yernes ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Patricio Laude, 60 anyos, chairman sa nasabing barangay, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan, habang isinugod sa pagamutan ang sugatang si Kagawad Christopher Casimong, 45.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 8, kasalukuyang nag-uusap ang dalawang bara-ngay officials sa harapan ng tahanan ni Casimong kaugnay ng clean-up drive sa kanilang barangay nang sumulpot ang salarin at pinagbabaril ang mga biktima, kungsaan napuruhan ang tserman na sinasabing target ng salarin.
Mabilis na tumakas ang gunman na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.
Isinugod sa pagamutan ang kagawad na nasa ligtas nang kalagayan. (Mark Obleada)