Advertisers
MARIING nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga online seller laban sa pagpapataw ng “no video, no refund policy.”
Ginagamit ng mga online retailer ang patakarang “no video, no refund” para i-record ng mga customer ang kanilang sarili kapag tinanggap at binuksan nila ang kanilang mga order. Kung ang item ay lumabas na may depekto, tanging ang may mga video ang ikokonsidera para i-refund.
Sinabi ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, ang no return, no refund, o exchange policy ay napapailalim sa mapanlinlang, hindi patas, at unconscionable sales acts o practices, na isang paglabag sa Republic Act 7394, na kilala rin bilang Consumer Act of the Philippines.
Ayon kay Nograles, na siya ring supervising head ng DTI Consumer Protection Group, na maaaring mangyari ang mga deceptive sales bago, habang, at pagkatapos ng pagbebenta.