Advertisers

Advertisers

“MAGTAPOS NG PAG-AARAL, PARA MAKAAHON SA KAHIRAPAN” – ISKO

Payo sa mga mahihirap na estudyante:

0 262

Advertisers

HINIKAYAT ni Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng mahihirap na mag-aaral na huwag mawawalan ng pag-asa at tapusin ang kanilang pag-aaral hanggang kolehiyo dahil ito ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.

Sa kanyang live address, siniguro ni Moreno sa mga naghihikahos na mag-aaral na gagawin nila ang lahat ng para makaraos ang mga ito.

Bukod sa edukasyon mula daycare hanggang kolehiyo na libreng ibinibigay ng lungsod, nagbibigay din ito ng P500 monthly allowance para sa Grade 12 students at P1,000 monthly para sa mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod Maynila at Universidad de Manila.



Ginawang halimbawa ni Moreno ang sarili noong siya ay nag-aaral pa na pumapasok araw-araw na wala kahit na sentimo sa bulsa at wala ring pagkain tuwing recess.

Sa halip na sisihin ang kanyang magulang sa kanilang estado sa buhay at sa kawalan ng mga pangunahing pangangailangan bilang isang mag-aaral ay ginamit ni Moreno ang kanyang sitwasyon bilang daan upang higit na magsikap ng husto sa buhay.

Sinabi pa ni Moreno na ang kanilang kahirapan ang nagtulak pang lalo para tapusin ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Binanggit pa ng alkalde ang walang sawang pagpapaalala sa kanya ng kanyang ina na huwag liliban sa klase.

“Edukasyon, edukasyon, edukasyon… will bring you somewhere better. Imbes na sisihin ko ang nanay or tatay ko dahil mahirap kami, wala akong baon sa pagpasok sa eskuwela, pinilit kong maging magaling na estudyante,” ayon kay Moreno.

Sinabi pa ni Moreno na siya ang buhay na katibayan na habang may buhay, may pag-asa lalo na kung may determinasyon.



Samantala ay sinuspinde ng alkalde ang pasok sa lahat ng level ng kolehiyo dahil sa mahinang internet connectivity na kailangan sa online classes. (ANDI GARCIA)