Advertisers

Advertisers

Security officer na pumatay sa trabahador sa SLEX sumuko

0 46

Advertisers

SUMUKO na sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detections Group (CIDG) sa Laguna Provincial Field Unit nitong Linggo ng tanghali (Feb 18, 2024) ang security officer na nakatalaga sa Calamba Premier International Park (CPIP) na bumaril-patay sa trabahador ng South Luzon Expressway sa Calamba City na nangyari Sabado ng haapon.

Ayon kay CIDG-Laguna chief Lt. Colonel Romulo Dimaya Jr., sinabi sa kanya ng salarin na si alyas “Demetrio” na naging mahaba ang pagtatalo nila ng biktimang si Ronald Santillan, taga Sto. Tomas City, Batangas, bago ang pagbaril sa biktima na nagpapahinga sa gilid ng CPIP.

Ikinatuwiran ng salarin na marami na diumanong insidente ng pagnanakaw sa kanilang lugar na binabantayan kaya sinita nila ang grupo ng construction workers kabilang ang biktima.



Hindi umano nakapagpigil si Demetrio sa pangangatwiran ng biktima at pagkuha ng video sa kanya kaya’t sandali itong umalis at pagbalik ay binaril si Sabtillan.

Nasa kustodiya ngayon ng CIDG Provincial Field Unit Holding Facility si Demetrio, na nakatakdang sampahan ng reklamong Murder sa Calamba City Prosecutors Office.(Koi Laura)