Advertisers

Advertisers

Coast guard, timbog sa indiscriminate firing

0 5

Advertisers

Arestado ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) sa walang habas na pagpapaputok ng baril na ikinatakot ng mga residente ng Naic, Cavite noong Linggo.
Kinilala lang ng Naic Police ang dinakip na alias “Salgado”, Seaman Second Class (SN2) ng Philippine Coast Guard.

Kinasuhan si Salgado ng paglabag sa RA 11926 sa Naic Municipal Prosecutor’s Office, nitong Lunes.
Nabatid na ini-report ng isang concerned citizen mula sa Barangay Latoria, Naic, Cavite ang nagaganap na indiscriminate firing sa kanilang lugar.

Ayon sa imbestigador, nakasuot si Salgado ng “battle” uniform at armado ng kanyang service firearm at kasama ang kanyang buddy na si SN1 Dela Cruz, na nagsisilbing driver ng isang motorsiklo, nang kapwa dumating sa Barangay Latoria, Naic nitong Linggo 2:40 ng madaling–araw.



Ilang saglit pa, nagsimula na si Salgado na pagsisigawan ang kanyang live-in partner na nagbunsod ng kanilang mainitang pagtatalo.

Kasunod nito, bumunot na ng baril ang suspek at itinutok niya sa lupa saka makailang beses na ipinutok bago siya galit na umalis sa lugar.

Nang mai-report ang insidente sa pulisya, agad na nagkaroon ng hot pursuit operation hanggang sa maabutan ang suspek sa kanyang hideout sa nasabi ring barangay at agad inaresto.