Advertisers

Advertisers

Estudyante kulong sa pagbebenta ng wildlife species!

0 6

Advertisers

Kulong ang isang estudyante sa pagbebenta ng wildlife species sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Galang y Lacddan, 25, single, estudyante, residente ng #327 G, Alta Vista Homes, Barangay 160, Riparo Road, Santa Quiteria, Caloocan City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PCpl Aldrin Sacopon, ala-1:53 ng hapon nang magsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA sa pangunguna ni P/MAJ John Stephanie Gammad kasama ang mga tauhan ng MDIT RIU-NCR sa pangunguna ni P/Capt. Pierre Jamil Datong laban sa suspek sa harapan ng Starbangs Salon, Riparo Road, Brgy. 160, Santa Quiteria ng nasabing lungsod.



Narekober sa suspek ang dalawang Leopard Gecko na may estimated value na P4,500, limang P1000 Boodle Money at Infinix Note 10 cellphone.

Mahaharap ang suspek sa kasong Violation of Sec. 27, Trading of Wildlife and Possession of WildLife Species of RA 9147 “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” in relation to Sec. 6 of RA 10175 Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Caloocan City Prosecutor’s Office.