Advertisers
Pinalaya ang isa sa 18 Pilipinong sakay ng oil tanker ST Nikolas na nasabat ng Iranian authorities noong Enero, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes.
Inihayag ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na pinakawalan ang seafarer noong Feb. 4.
Nananatili naman sa barko ang mga kasamahan niyang tripulante.
“The others are there out of their free will as they are being paid double their salary,” mensahe ng opisyal. “What is needed is for the agency to replace them with other seafarers.”
Mula sa mga pag-uusao kamakailan sa pagitan ng Iran at ng Pilipinas, sinabi ni De Vega na walang indikasyon ukol sa pagpapalaya sa barko “as this is with Iranian courts.”
Kasunod ang pagpapalaya sa Filipino national ng pagpapakawala sa Greek cadet na nakaalis ng oil tanker noong Enero.
Sinamsam ng Iran ang Marshall Islands-flagged oil tanker ST Nikolas sa Gulf of Oman noong Jan. 11 habang naglalayag ang barko sa pagitan ng Iraqi port ng Basra at Turkey.
Taong 2023 nang makumpiska ng US ang oil tanker na may kargang 980,000 barrels ng Iranian crude oil sa isang sanction enforcement operation.
Batay sa mga naunang ulat, sinabi umano ng Iranian Navy na ang seizure ay pagganti sa pagkumpiska ng US.
“The tanker, renamed ST Nicholas, was seized on Thursday (January 11), with a judicial order and in retaliation for the theft of Iran’s oil by the US,” batay sa pahayag ng Navy.