Advertisers
NAGLABAS ang Bulacan court ng warrant of arrest laban kina Jhed Tamano at Jonila Castro, ang environmental activists na nagsabing dinukot sila ng mga sundalo.
Sa utos na may petsang February 2, nag-isyu ang Dona R. Trinidad Municipal Trial Court ng warrant kaugnay ng ‘grave oral defamation’ case na inihain laban sa kanila.
Itinakda ng korte ang piyansa para sa dalawa sa P18,000.
Ito ay kasunod ng paggawad ng Supreme Court kina Tamano at Castro ng ‘writ of amparo’ at ‘habeas data’, kungsaan sinabing natukoy nitong mayroong mga elemento ng “enforced disappearance”.
Noong September 2023, inihayag ng NTF-ELCAC na sumuko sina Tamano at Castro sa 70IB sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan, sa parehong buwan.
Iniharap nito ang dalawa sa isang press conference, upang pabulaanan sana ang ulat ng pagdukot.
Subalit, sinabi ng mga aktibista na kinuha sila ng militar.
Ang inisyal na reklamong inihain laban kina Tamano at Castro ay para sa perjury, subalit inirekomenda ng Department of Justice na kasuhan sila ng ‘grave oral defamation’.