Advertisers

Advertisers

‘Tanim granada’ sa Cabiao, Nueva Ecija kinundina, PNP paimbestigahan

0 969

Advertisers

Hindi pa nga nakakaahon sa kontrobersiya sa nangyaring “tanim baril” at pang-eeskoba ng halagang P31.6 milyon sa isinagawang raid ng Philippine National Police sa Paranaque City noong Setyembre, nahaharap nanaman sa malaking sakit sa ulo ang organisasyon kaugnay sa diumano’y ginawang “tanim Granada” ng mga pulis sa Cabiao, Nueva Ecija.

Nanawagan ng malalalimang imbestigasyon sa Kongreso at sa pamunuan ng PNP ang pamilya ni Noel Montano nitong Huwebes, na mas kilala sa social media bilang si El Tarik matapos itong harassin ng mga kasapi ng Cabiao Police dahil sa patuloy nitong pamumuna sa pamamahala ng papaalis na mayor ng bayan na si Engr. Ramil Rivera.

Ayon sa mga impormante, inutusan diumano ni Rivera ang hepe ng Cabiao na si P/Maj. Shariel Paulino na isagawa ang isang “search warrant” sa bahay ni Montano na matatagpuan sa Bgy. San Fernando Norte kung saan nagtatago umano ito ng isang kalibre 9MM na baril. At sa dahilang wala talagang pag-aaring baril si Montano, ikinagulat ng lahat ng ideklara ng mga pulis na may natagpuang Granada sa bahay nito.



Kasalukuyang naghihimas ng malamig na rehas na si Montano sa kasalanang hindi nito ginawa kung kaya’t pinaplano ng kaniyang pamilya, tagasuporta at mga abogado na manawagan ng mas malalim pang imbestigasyon para panagutin ang mga Cabiao pulis sa pangunguna ni Paulino sa napaulat na pagsunod sa kay Mayor Rivera.

Nanawagan ang pamilya ni Montano kina P/Col. Richard Caballero, at Central Luzon Police Director P/Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., hukayin ang katotohanan at kung di ay mapipilitan silang manawagan din sa Kongreso o’ kaya’y kay Sen. Raffy Tulfo.

Sa kaniyang huling FB post matapos siya ay iligal na arestuhin, isinaad ni Montano o El Tarik na “naset-up ako, huling post ko muna ito, makipagugnayan sa aking mga kapatid. At mga pinsan. Paalam muna. Matagal tagal na laban ito.”

Inulan naman ng mensahe ng suporta ang naturang post mula sa mga mamamayan ng Cabiao kabilang na ang ilang opisyal ng bayan gaya ni Konsehal Jumar Gatbunton Wycoco na nagwikang: “Bayan ng Cabiao,,, sa akin po pagkakaalam ang PALAY ay sa bukid tinatanim para alam mo ang iyong aanihin, ngayon iba na sa loob na nang bahay nagtatanim, para merong ebedensya he he ano ba Yan BAYAN?”

Si Montano at Gatbunton Wycoco ay itinuturing na dalawa sa mga kritiko ng negosyanteng mayor ng Cabiao. Ang ilan sa mga isyung pinupuna nila ay ang pagtatayo sa isang palpak na “floating market” project kung saan daan-daang milyon ang inutang ng bayan para dito. Nitong huli, ang isang bahagi ng palpak na market ay ipinagiba para tayuan naman daw ng ibang gusali para muling makapangutang.



Nais din ng mamamayan ng Cabiao na imbestigahan ng Ombudsman o ipa-audit sa COA ang mga naturang proyektong iniutang ng bayan kung saan ang contractor ay malalapit din sa alkalde.