Advertisers
NASAMSAM ang nasa P398 milyon halaga ng puslit na sigarilyo ng Philippine Navy at iba pang kinauukulang ahensya mula sa isang cargo vessel na pinamamahalaan ng mga Indonesian sa dagat ng Tawi-Tawi noong Pebrero 1.
Una nang inalerto ng National Coast Watch Center ang mga tauhan ng Philippine Navy tungkol sa pagkakaroon ng cargo vessel na hinihinalang may dalang ipinagbabawal na droga at iba pang kontrabando.
Isang team na binubuo ng Philippine Navy, Philippine Marines, Philippine Air Force, at Philippine Drug Enforcement Agency ang nagsagawa ng maritime interdiction operation at naharang ang MV Samson sa paligid ng Pearl Bank sa Tawi-Tawi.
Nagsagawa ang mga ito ng Visit, Board, Search, and Seizure operation na humantong sa pagkakadiskubre ng libu-libong kahon ng undocumented tobacco products sa sasakyang pandagat na pinamamahalaan ng 10 Indonesian. (Boy Celario)