Advertisers

Advertisers

Asyenda ng Cojuangco hiniling ipamahagi sa mga ARB

0 159

Advertisers

PARA hilingin ang agarang pamamahagi ng kanilang lupang sinasaka daan-daang mga magsasaka na walang lupa mula sa Negros Occidental at Batangas ang magmamartsa patungo sa pangunahing tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) at nag-kampo sa harap ng punong tanggapan ng DAR  nitong Pebrero 19, 2024 upang igiit ang agarang pamamahagi ng mga pribadong lupaing pang-agrikultura (PAL) gaya ng ipinangako noong nakaraang taon ng Pangulo. Ferdinand Marcos Jr.

 



Bunsod nito kabilang sa mga nagmartsa ang mga magsasaka mula sa La-iya, Batangas na humihiling na madaliin ng Land Bank of the Philippines (Landbank) ang pagpapalabas ng certificate of deposit (COD) sa account ng may-ari ng Batangas dahil nagkaroon ng memorandum of valuation (MOV) natanggap na ng Hennessy Corp., tatlong taon na ang nakararaan. Ang Landbank pala ay walang pambayad ng lupa. Sa ilalim ng batas, ang COD ay ibinibigay 30 araw pagkatapos matanggap ng may-ari ng lupa ang MOV.

 

Sinabi ng Task Force Mapalad  (TFM) nais ng mga magsasaka na nagmartsa mula sa Negros Occidental na ipamahagi kay Pres. Marcos ang lahat ng 12 asyenda na sumasaklaw sa 4,654 ektarya na kontrolado ng yumaong business tycoon na si Eduardo Cojuangco sa libu-libong magsasaka na walang lupa. Iginiit din nila na ang mga kasunduan sa pagitan ng kanilang mga kooperatiba at Cojuangco ay pawalang-bisa dahil sa kanyang kabiguan na magbayad ng makatarungang sahod at ibigay sa mga magsasaka ang bahagi ng tubo ng agribisnes, na tila nalulugi sa ilalim ng pamamahala ni Cojuangco. Sa kanyang liham noong Marso 19, 2018 sa Presidential Agrarian Reform Council (PARC), inamin ni Cojuangco na ang korporasyon ay “nagkakaroon ng malaking pagkalugi sa loob ng 12 taon.” Ang South Negros Joint Venture Corp. (SJNVC) ay nagkaroon ng kabuuang pagkalugi na P2.9 bilyon mula 2005 hanggang 2016.

 

Kaugnay nito kinondena din ng mga nagpoprotestang magsasaka ang pakana ng grupong Cojuangco na i-parcelize ang lupa at maglagay ng sarili nilang mga cohorts habang sinisipa ang mga lehitimong ARB upang matiyak na ang SJNVC, na magwawakas ngayong taon, ay magpapatuloy sa ilalim ng kontrol ng mga Cojuangco. Napilitan ang mga Cojuangco na ilipat ang pamamahala ng mga asyenda sa Caña Dulce Agro Industrial, Inc. – na kinakatawan nina Miguel S. Hinojales, Lagrimas H. Llorca at Michael Andrew V. Hinojales— mula 2016 hanggang 2019 dahil sa malaking pagkalugi.



 

Nahaharap sa dumaraming reklamo tungkol sa sahod ng mga alipin at hindi pagpapadala ng kanilang bahagi sa kita, inirekomenda ng National Agribusiness Venture Arrangements Evaluation Committee (NAEC) ng DAR noong Hulyo 1, 2017 ang pagbawi ng joint venture scheme kasama si Cojuangco. Sinabi ng NAEC sa PARC na ang bawat benepisyaryo ng CARP na nagmamay-ari ng 2.56 na ektarya ng mga asyenda ng ECJ ay tumatanggap lamang ng suweldo na P10,000 taun-taon, o P833 buwanang mula sa buong pamamaraan, at bigong hindi maabot ang mga layuning naisip ng DAR AO 2 noong 1999. Gamit ang ang memo, inirekomenda ng PARC executive committee noong Pebrero 2018 kay Pangulong Rodrigo Duterte noon na bawiin ang joint venture.(Boy Celario)