Advertisers
Kulong ang tatlong drug suspects nang maaresto sa buy bust operation ng Caloocan PNP nitong Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ni P/Major Jeraldson Rivera, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) ang naaresto na sina alyas “Jonathan”, 21, tattoo artist; “Loyd’, 20, construction worker; at “Justin”, 20, estudyante.
Ayon kay Major Rivera, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 25 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P3,000, buy bust money, isang improvised gun na may isang bala ng cal. 357, patalim, tatlong plastic container na may laman lupa at mga buto ng marijuana at isang plastic container na may tanim na marijuana.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002), R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act at B.P. 6.(Beth Samson)