Advertisers
ISANG pampublikong ospital ang nakatakdang itayo sa Tandang Sora, Quezon City upang mas mapagsilbihan pa ng local na pamahalaan ang mga residente ng lungsod.
Nabatid kay District 6 Councilor Emmanuel “Banjo” A. Pilar, pangunahing tagapagpakilala ng ordinansang nagtatag ng Tandang Sora Hospital and Medical Center, ang level 1 na itatayong ospital ay magsisilbing ospital hindi lamang ng mga residente ng District 6 kung hindi maging ang QCitizens.
Ayon pa kay Pilar na ang P500 milyong proyektong imprastraktura ay pangako at kabilang sa programa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at Congresswoman Marivic Co-Pilar na natupad.
Ang TSHMC, ayon sa Konsehal ay magkakaroon ng pitong palapag na gusali na may basement at roofdeck na matatagpuan sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Barangay Tandang Sora upang mas mapagsilbihan ang mga tinaguriang QCitizens.
“Sa unang pagkakataon magkakaroon tayo ng pampublikong ospital sa District 6,”. Si Co-Pilar (Congresswoman) naman ang naging instrumento sa proyekto nang ihain niya ang House Bill 8694 ng House of Representatives version ng “An Act Establishing the Tandang Sora Hospital and Medical Center and Appropriating Funds Therefore.” Ayon pa kay Pilar
Si Belmonte kasama ang kanyang lokal na pamahalaan ay ang mga pumili ng angkop na lokasyon para sa ospital at kumuha ng ari-arian.
Sinabi ni Pilar na ang konstruksyon ng proyekto ay nagpapatuloy ngayon na may timeline na dalawang taon ng pagtatapos. Idinagdag niya na ang pagtatayo ng bagong ospital ay pupunan sa pagkuha ng mga highly skilled medical at administrative at iba pang tauhan.(Boy Celario)