Advertisers

Advertisers

Lalaki, sinaksak sa ‘étits’ ng ka-live-in

0 10

Advertisers

Sugatan ang isang lalaki nang saksakin ng gunting sa maselang bahagi ng katawan ng live-in partner sa Maynila.



Kinilala ang biktima na si Joey Jimenez at ang salarin ang kinakasama nitong si Miracle .

Agad namang naitakbo sa pagamutan ang biktima nang tiyempong may mga dumaan na pulis.

“Itong biktima, tumatakbo siya na napansin ng mga tao doon at buti na lang may mga pulis tayong nagpapatrolya, so agad na umaksiyon ang ating mga kapulisan para maitakbo siya sa ospital,” ani Police Captain Anthony Abundo.

Bago naganap ang insidente, nag-iinuman daw ang dalawa at pinag-uusapan ang kanilang mga dating kasintahan sa isang bangketa sa Ermita.

Ayon sa kuwento ng biktima sa mga pulis, tila raw napikon ang kaniyang partner sa kanilang kuwento.

Ayon kay Abundo, wala ng balak magsampa ng kaso ang biktima laban sa suspek.

Nagpapagaling na sa ospital ang biktima. Hindi naman nagbigay ng pahayag ang kaniyang kinakasama.(Jocelyn Domenden)