Advertisers
MAHIGIT sa 700 katao ang na-rescue ng Water Search and Resue Team (WASAR) ng 502nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa bayan ng Sto Tomas, Isabela.
Sa datos na inilabas ng Northern Luzon Command (NOLCOM), nasa 282 indibidwal ang na-rescue sa Barangay San Vicente, 97 sa Barangay Malapagay, 65 sa Barangay Calanigan Norte, 63 sa Barangay Canogan Norte, 56 sa Barangay San Roque, 53 sa Barangay Calinaoan Norte, 38 sa Barangay San Rafael De Bajo, 33 sa Barangay San Rafael Alto, 28 sa Barangay Antagan at tig-8 mula sa Barangay Bulinao at Poblacion.
Nasa 50 indibidwal naman ang na-rescue ng mga tauhan ng Tactical Operation Group (TOG) 2 ng Philippine Airforce (PAF) sa Brgy. Alanguigan, Ilagan City.
Tuloy-tuloy din sa pamamahagi ng tulong ang Disaster Response Unit (DRU) ng 95th Infantry Battalion sa mga lumikas na residente sa bayan ng Benito Soliven.
Na-rescue rin ng mga sundalo ang nasa 19 indibdwal matapos malubog sa tubig-baha ang kanilang tahanan.
Habang nasa 4,000 foodpacks sa Alibagu, Ilagan City ang patuloy na nire-repack ng mga Reservists mula sa 202nd Community Defense Center.
Ang 5th Infantry Division ng Philippine Army ang nangunguna sa ongoing search, rescue and retrieval operations sa mga apektadong lugar probinsiya ng Isabela.(PFT team)