Advertisers
NI JOVI LLOZA
ISA sa sinalag ni Cristy Fermin ang kumakalat na isyu tungkol kay Alden Richards. Sinabi ng beteranang manunulat na fake news ang pagsasangkot kay Alden sa split up ng ex-couple na Catriona Gray at Sam Milby.
Nagsama kasi sa isang endorsement ng gulong sina Catriona at Alden.
At doon na nga lumutang at pinalitaw na si Alden ang third party ng hiwalayan.
Pero pinasinungalingan ni Fermin ang nagkalat na tsika na si Alden ang dahilan ng split up nina Cat at Sam
Nagsama lang daw sa isang project ang dalawa.
Kahit si Cristy ay natatawa sa nagpapakalat ng tsika na si Alden ang dahilan ng hiwalayang Catriona at Sam.
Sadya nga lang daw na may mga bagay na di napagkakasunduan sina Catriona at Sam.
Malabo nga raw na mangyari na masangkot si Alden sa hiwalayan ng dalawa pagtatanggol pa ni Cristy kay Alden.
***
DISYEMBRE 5 nang lumipad pa-Los Angeles si Lovi Poe at biglang nagbalik ng Pinas.
February 21 nang umuwi ng Pilipinas si Lovi at sad ito dahil iniwan na siya ng kanyang aso na si Phoebe.
May 17 years na kay Lovi ang kanyang aso kaya kabis na kalungkutan at pighati ang pagbabalik nito sa Pinas.
Noon ay nakitaan na ng vet na may tumor na si Phoebe at sinabinga till six months na lang ang alagang aso.
Laking tuwa ni Lovi na ang six months na taning kay Phoebe ay umabot pa ng tatlong taon.
Kaya akala ng aktres ay makaka- survive ang kanyang si Phoebe hanggang iwan na na siya nito.
Nagluluksa ngayon ang aktres sa pagpanaw ng kanyang aso.
Balik LA na si Lovi dahil sa ilang commitment nito sa Tate.
Nagbalik Pinas lang ito dahil sa pagkamatay ni Phoebe.
Well, well, well…’Yun na!