Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MAHIGIT dalawang taon ding namalagi sa America si Tom Rodriquez, na dapat sana ay 2 weeks lang. Nagdesisyon siyang magtagal doon para totally ay makalimot at maka-recover sa nangyaring hiwalayan nila ni Carla Abellana.
Sabi ni Tom sa interview sa kanya ng 24 Oras,”Two weeks lang dapat ako nandoon. Nawili rin ako. Long story short, I really had to take time to really recover and now, I do feel na buo na ako ulit.”
Nu’ng nasa America, natuto siyang magluto at maglaba ng kanyang mga damit.
“Nawili din ako na when I started taking on responsibilities for myself, maintaining the household, learning to cook, learning to do laundry, ‘yung washing machine tsaka dryer doon, mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko,” kuwento ng aktor.
Sa pagbabalik-bansa ni Tom ay balik-showbiz na rin siya. Bukod sa mga gagawin niyang serye sa GMA 7, babalik din siya sa theater industry. Makakasama siya sa concert version ng Ibarra: The Musical na mangyayari sa second quarter ng 2024.
“I’m glad na they offered me this role. I’ve been really yearning to be back into theater and napagbigyan uli,” ani Tom.
Samantala, balik-social media na rin daw ang aktor ngayon kasabay ng pag-aming naninibago siya pagpo-post ng mga kaganapan sa kanyang personal life at career, dahil matagal din niyang hindi ginamit ang kanyang social media accounts.
“Medyo hindi pa ako sanay mag-social media uli. So I’ve been trying to force myself to go back.
“I’m on TikTok din, I’m starting to push myself out of my comfort zone kasi nakaka-spoil pala ‘yung wala. It’s nice din to reconnect with the people. Kaya I’m trying to push myself to go out of my ermitanyo mode,” aniya pa.
***
JK LABAJO NAGULAT, NATUKLASANG BINEBENTA ONLINE ANG NAWAWALANG GAMIT NA UNDERWEAR
SA ekslusibong panayam ng PEP.ph sa singer-actor na si JK Labajo, ikinwento niya ang ilan sa fan encounters na maituturing niyang espesyal at hindi niya makakalimutan.
Ayon sa kanya, ang pinakamasaya ay ‘yung minsan may out-of-the-country shows sila, tapos ay biglang may isang fan na nasa eroplano rin, tapos pupunta doon sa country na ‘yun para lang manood.
“Like ako, ‘What?’ May show kami sa U.S. [United States] tapos taga-Pinas siya pero pupunta siya sa U.S. para lang manood,” simulang kwento ni JK.
Patuloy niya,”Kahit ako nabibigla na tapos tatanungin ko siya, ‘Kakapanood mo lang sa akin doon sa Mandaluyong, bakit ka manonood sa U.S.?’ ‘Wala lang, para mapanood kita.’
“Di ba, kahit wala namang pinagkaiba?”
May isa rin daw siyang karanasan sa fan na masasabi niyang hinding-hindi niya makakalimutan. Ito ay nang mawalan siya ng underwear at makitang ibinebenta ito online.
“Parang one time, we had a show and then all of a sudden, nawala yung underwear ko.
“Kasi nagbibihis kami. Usually, right after the show, nagbibihis kami.
“Kasi ako, sobrang pawisin akong tao, we change. And all of the sweaty clothes were put somewhere.
So, one time, nawala yung underwear ko. Okay [sabi ko], ‘Ang weird, saan kaya napunta yun?’
“Tapos we found out kasi pinost sa Facebook na for sale.
“[Nakalagay pa] ‘Underwear ni JK.’ Tapos parang times five yung presyo ng underwear.
“Tapos parang nakalagay pa ata sa description na ‘never been washed.'”
“Actually, maraming mga stories. Sobrang dami. Crazy encounters,” aniya pa.