Advertisers

Advertisers

2 ASG todas sa engkuentro sa Zambo

0 248

Advertisers

TODAS ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf nang makaengkwentro nila ang mga elemento ng Special Action Force (SAF) sa Zamboanga Sibugay.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jomar Aukasa, facilitor at financier ng ASG at 5th Most Wanted Person sa Zamboanga peninsula; at isang alias Buchoy.
Ayon kay BGen Bernabe Balba, acting director ng PNP -SAF, 2:30 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng 5th Special Action Battalion sa Barangay Sisay, Tungawan, Zamboanga Sibugay.
Sa report, maghahain ng warrant of arrest sa kasong murder at robbery na ipinalabas ng korte ang mga otoridad laban sa kay Aukasa, pero agad pinaputukan ng mga suspek ang mga otoridad dahilan upang gumanti ng putok, at makalipas ang ilang minutong palitan ng putok ay nasawi si Aukasa at kasama nito.
Sinabi ni Balba na ang Glock 17 pistol ay pag-aari ng PNP na ini-isyu kay POI Mohammad Nur Alamia ng Tungawan Municipal Police Station na inagaw ni Aukasa nang tumakas ito mula sa nasabing Police Station noong 2018 at ginamit sa pagbaril kay PO3 Rommel Dela Cruz habang papatakas . (Mark Obleda)