Advertisers

Advertisers

2 TAUHAN NG DPWH NASAWI SA LANDSLIDE, 2 ENGINEERS MISSING

0 252

Advertisers

KINUMPIRMA ni DPWH Secretary Mark Villar na apat sa kanyang mga tauhan ang natabunan ng landslide sa Ifugao Province habang nagsasagawa ng clearing operations.
Kinilala ang mga nasawi na sina Joel Chur-ig, driver; at ang laborer na si John Duclog.
Nagpapatuloy naman ang rescue at retrieval operations ng DPWH kasama ang Ifugao Provincial Mobile Force Company, Philippine National Police Banaue, Regional Mobile Force Battalion, Bureau of Fire Protection, Provincial & Municipal Disaster Risk Reduction and Management, 54th Infantry Brigade at iba pang volunteers para mahanap ang dalawa pang nawawalang tauhan nito na sina Engineers John Limoh at Julius Gulayan.
Isa pang tauhan ng DPWH Quick Response Team na nakilalang si Jacob Guinyang ang masuwerteng nakaligtas nang mag-landslide dahil tiningnan nito ang kanilang equipment at bumili ng kanilang pagkain.
Sa ulat, 5:40 ng hapon nang maganap ang landslide sa Sitio Nabito, Viewpoint, Banaue, Ifugao.
Ayon kay Villar, ang 5-man team ay umalis sa Banaue Satellite Office 2:00 ng madaling araw nitong November 12 (Huwebes) nang makatanggap ng mga ulat ng pagguho ng lupa sa kahabaan ng Nueva Vizcaya-Ifugao-Mt. Province Road.
Pagdating sa site, malakas ang buhos ng ulan kaya sumilong sila sa isang bahay ngunit biglang gumuho ang lupa mula sa bundok dahilan para mabagsakan ang nasabing bahay.
(Jocelyn Domenden)