Kahit nagbalikan pa… Bea at Dominic ‘di na muna itutuloy ang kasal; Sen. Bong nagpaparamdam na sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon
Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
ALTHOUGH ang TV show niyang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ang pino-promote ni Senator Bong Revilla sa ginawa niyang pag-iikot sa ibat ibang lugar sa Kamaynilaan ay hindi maiiwasang mag-işip ang mga tao na may kinalaman ito sa posisyong tatakbuhan niya sa 2025 elections, huh!
Usap-usapan kasi sa umpukan ng mga barangay chairman dito sa Tondo na kinausap ni Sen. Bong ang mga Ito last Saturday.
Ayon sa isang chairman na nakausap namin ay may pahiwatig na raw si Sen. Bong na tatakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na eleksiyon, huh!
Uto raw ang dahilan kung bakit umiikot na ang aktor pulitiko sa iba’t ibang lugar kasabay na rin ang pagpo- promote ng kanyang “Walang Matigas na Pulis Sa Matinik na Misis”, huh!
Pero ang tiyak na magbibigay ng malaking panalo Kay Sen. Bong sakaling totoo ang pagtakbo niya sa mataas na posisyon o manatiling senador muna ay ang panukalang batas niya na pirmado na ngayon ni PBBM.
Ito ang batas na kung tawagin ay REVILLA LAW na magbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga senior citizen na may edad 80, 85, 90 at 95 years old.
Sa Revilla Law ay ang mga nabanggit na edad ng mga senior citizen ay makatatanggap ng sampung libong piso at pagdating naman ng 100 years old ay mabibiyaan ng 100 thousand pesos ang mga lola at lolo na aabot sa ganung edad, huh!
Kaya ngayon pa lang ay aligaga na at panay tanung sa amin ng mga senior citizen kung saan at paano makapag& aapply para sa benepisyong yun.
**
SA isang umpukan ng mga taga showbiz ay mainit na pinag uusapan ang balitang nagkabalikan na raw sina Bea Alonzo at Dominic Roque, huh!
Nagkaroon daw ng pag-uusap ang dalawa at pınatunayan ni Dominic na walang katotohanan ang mga isyung ibinabato sa kanya na naging dahilan kaya sila nagkahiwalay huh!
May nasa umpukan ang nagbanggit na maaring meron daw kapwa malapit kina Bea at Dominic ang namagitan at nagawang ayusin ang gusot ng dalawa, huh!
Ayon sa isang celebrity ay maaring hindi na raw muna itutuloy ang pagpapakasal ng dalawa pero ang importante ay naibalik daw ang relasyon ng dalawa, huh!
Pero may isang kasama pa rin sa naturang umpukan ang napailing at iiwasan na lang daw muna niyang magkomento.
Ibinulong pa niya sa amin na sana hintayin na lang daw nating mismong sina Bea at Dominic ang magsalita.
Dagdag pa niya na sa pagkakaalam niya ay walang balikan na naganap kina Bea at Dominic.
“İlüsyon lang nila yan.. kilala natin si Bea, once na nasaktan na yan, eh, hindi basta na lang kakalimutan agad yun,” sey pa ng kausap namin.