Advertisers

Advertisers

Ang self proclaimed appointed son-of-a-bitches

0 11

Advertisers

TOTOO pala ang kasabihang “kapag nagigipit, kahit anong salita isisingit.” Teka, parang mail yata?

Ito ang ginawa ng Kingdom of Jesus Christ founder na si Pastor Apollo Quiboloy dahil lahat na yata ng imposibleng salita ay lumabas sa kanyang bibig para lamang iparinig sa publiko at ilihis ang totoong usapin sa umano’y mga kasong pangmo-molestiya at unfair labor practice na ibinibintang sa kanya.

Pinanood ko saglit ang video na ipinost online ng Sonshine Media Network International (SMNI), na ayon sa self proclaimed appointed son of god (Quiboloy) mayroon siyang mapagkakatiwalaang source na nagsabi sa kanya na mayroong plano ang mga ahensya ng Estados Unidos at sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos Araneta, na siya ay ipadukot o ipapatay.



Madaling sabihin na mayroon siyang reliable source para pagbintangan ang mag-asawang Marcos Jr. Pero gaano ito katotoo?

Ngapala, sakaling mapawalang-bisa ng Kongreso ang prangkisa ng SMNI, ibig sabihin, mawawala ito sa ere dahil magsasagawa ng hearing ang House committee on legislative franchise sa March 12 kaugnay sa panukalang batas na layong ipawalang-bisa ang prangkisa ng Swara Sug Media Corp., ang nag-o-operate ng SMNI, isang tao lang ang alam kong matutuwa, walang iba kundi si Vice Ganda, heheheh.



Kung napanood nyo na ang video message ni appointed son, malamang matawa o maawa kayo sa mga pinagsasabi nya. Kesyo hinahabol daw sya ng mga babae dahil sa kanyang yaman pero tinatanggihan nya ang mga ito. Wowwww naman!

Sa palagay nyo ba ganun na kasama ang ating gobyerno para gumawa ng labag sa batas? Sa palagay ko hindi!



Tinataguyod ng gobyerno ang pagsunod sa batas at tinitiyak nito ang kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayang Filipino.

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Speaker, nauunawaan ni Speaker Martin Romualdez ang bigat ng mga akusasyon na kinakaharap ni Quiboloy sa international stage, lalo na sa Federal Bureau of Investigation.

anomy sabi ni Speaker romualdez, sas mahalagang mabigyang-linaw na ang gobyerno ng Pilipinas at mga opisyal nito ay gumagana alinsunod sa konstitusyon at ipinaiiral na mga batas

Walang basehan at paglihis ng atensyon mula sa mas seryosong usapin ang pahayag ni Quiboloy na nakikipagsabwatan sa foreign entities para sa bawal na aktibidad, sabi ni Speaker Romualdez.

Hinimok din ng lider ng Kamara si Quiboloy na sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya at irespeto ang legal na proseso.

Pinaalalahanan ni Romualdez nng publiko na manatiling maunawain sa mga impormasyon at tiwala sa mga proseso na panindigan ang hustisya at demokrasya sa bansa.

Abangan na lang natin kung sisipot si Apollo sa hearing ng komite sa March 12.

Pero ako, sa palagay ko hindi ito sisipot!

***

The boy who cried wolf

ANG kwento ito ng “The boy who cried wolf” ang masisilip ng mga kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbabago ng pahayag kaugnay sa mga binitiwan niyang salita laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isa umano itong addict.

Dagdag pa rito ang pagbawi niya na ihiwalay ang Mindanao sa kabuuan ng Pilipinas. Sinang-ayunan naman ito ni former Speaker and incumbent Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, na ayon sa kanya, ang mungkahing paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas ay dadaanin sa matahimik, demokratiko at na-aayon sa batas.

Pero paano na ngayon ito? Iniwan ka na ni Tatay Digong. Wag mo naman sabihin na itutuloy mo pa ang plano na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Ang isa pang delikado para kay Tatay Digong ay kung totoo na ang kanyang sinasabi, tapos hindi siya paniniwalaan dahil nga nagbabago sa bandang huli ang kanyang mga pahayag.

Nagawang hamunin ni Tatay Digong si Pangulong Marcos Jr. na sumailalim sa isang drug test pero ngayon “Wala ako sinabi na ganon… Even if you kill me a thousand times, wala akong sinabi na ganon. Make it ‘taking a drug.’ Pero kung sabihin mong addict, wala akong sinabi na ganon. Patayin ako ni Marcos niyan. Maawa ka naman sa akin, matanda na ako,” sabi ni Tatay Digong sa isang press conference.

Paano kung totoo na ang kanyang mga sasabihin? Sino pa ang maniniwala sa kanya?