Advertisers

Advertisers

9-anyos ni-rape/slay ng mangangalakal sa Quezon

0 16

Advertisers

NATAGPUAN ang bangkay ng 9-taon gulang na babae na hinihinalang ginahasa saka pinaslang at isinilid sa sako sa Barangay Zone 2, Quezon.



Base sa ulat ng Atimonan Police, ang biktima ay itinago sa pangalang “Mae”.

Ayon kay Patrolman Mark Dave Villanueva, may hawak ng kaso, 2:09 ng hapon nagtungo pa sa police station ang mangangalakal na si Peter Aureada, 20, kasama ang 9-anyos na lalaki at iniulat ang pagkakadiskubre nila sa biktima.

Natuklasang walang pang-ibabang saplot ang biktima, palatandaan na pinagsamantalahan.

Sa isinagawang backtracking ng pulisya at sa nakalap na CCTV camera na nakakabit sa Angeles Street ng nasabing barangay, nakita sa video footage na magkasama sina Aureada at ang biktima habang naglalakad sa isang lugar bago natagpuang patay ang bata.

Bunsod nito, agad na inaresto ng mga pulis si Aureada.

Ayon sa pulisya, nagkunwaring concerned citizen si Aureada sa pamamagitan ng pag-uulat sa himpilan ng pulisya sa pagkakatagpo nito sa bangkay ng bata upang makaiwas sa krimen na kanyang ginawa.

Ipinagharap na ng reklamong rape with homicide ang suspek.