Advertisers

Advertisers

Tulak na may kaugnayan kay Kerwin Espinosa todas sa buy-bust

0 7

Advertisers

TODAS ang isang tulak ng droga na may kaugnayan sa self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa isang buy-bust operation sa Ormoc City, Leyte nitong Linggo.

Kinilala ni Police Major J-Rale Paalisbo ng Regional Police Drug Enforcement Unit ang napatay na si Sonny Aldamia, residente ng Purok 4, Barangay Bagong Buhay, Bliss, Ormoc City.

Narekober mula kay Aldamia ang 14 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000 at isang baril.



Si Aldamia ay No.1 sa Regional Priority Target List ng Police Regional Office-8 (Eastern Visayas).