Advertisers

Advertisers

Mister uminom ng lason sa isda, masama ang loob sa ‘di paggamit ng 12 anak sa kanyang apilyedo

0 23

Advertisers

ISANG mangingisda sa Sibuyan, Romblon ang kinitil ang sariling buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason dahil sa sama ng loob na ang kanyang isandosenang anak ay hindi apilyedo niya ang dinadala.

Ang biktima ay kinilalang si Gil Moral Macalipay, 50 anyos, ng Sitio Molobago, Barangay Agutay, Magdiwang, Sibuyan island, Romblon.

Sa ulat ng Magdiwang Municipal Police Station (MMPS), nakitang nagbubula ang bibig ng biktima matapos uminom ng lason sa isda at hindi na umabot ng buhay sa pagamutan.



Nabatid sa mga kamag-anak ng biktima na nitong nakalipas na taon ay naging sensitibo at iritable si Gil.

Minsan rin umano itong nagbalak magpakamatay dahil sa sama ng loob.

Ayon sa mga kamag-anak, madalas nagtatampo sa kanyang mga anak si Gil dahil sa hindi paggamit ng kanyang apilyedo, sa halip ay apilyedo ng misis niya ang dinadala ng mga ito.

Ang mag-asawa ay mayroon isang dosenang (12) anak at ang ginagamit na apelyido ng mga ito ay ang sa kanilang ina.

Bago pa nangyari ang pagpakamatay, isa sa mga anak ni Gil ay nakatanggap ng parcel na deliver ng Lazada, at napansin ng ama na ang apelyidong nakalagay sa parsela ay ang sa kanyang misis. Sumama raw ang loob niya sa anak, halos ilang araw daw itong naging iritable at malungkot.



Noong Pebrero 29 ng gabi, umalis sa kanilang bahay si Gil. Hindi alam ng kanyang pamilya kung saan ito pumunta.

Ayon pa sa mga kamag-anak ni Gil, madalas itong ginagawa ng biktima kapag nagtatampo sa kanyang pamilya.

At nitong Marso 1, 2024, dakong 7:00 ng umaga, pumunta umano ang biktima sa bahay ng kanyang hipag na si Lita Arriola at humingi ng kape. Binigay umano ni Gil ang lalagyan nitong tumbler sa hipag, na inusisa naman nito ang nasabing lalagyan at napansin ang naiwang bahagi ng lason mula sa ugat ng halaman na tinatawag nilang “tubli” na ginagamit paanglason sa isda.

Inamin umano ni Gil na uminom siya ng lason, at inihabilin pa niya sa kanyang hipag na alagaan ang kanyang mga anak habang unti-unti itong nawawalan ng malay-tao.

Agad dinala ng mga kamag-anak at kapitbahay si Gil sa Rural Health Unit ng Magdiwang, tapos inilipat sa Sibuyan District Hospital (SDH) subalit hindi na ito umabot ng buhay.(Mula sa Romblon Sun)