Advertisers

Advertisers

Utos ni PRRD na bumuo ng task force para sa disaster rehabilitation, suportado ni Bong Go

0 323

Advertisers

Sinusupoetahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbuo ng inter-agency task force na tututok at magpopokus para sa mabilis na pagbangon at rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ng mga nakalipas na bagyo.

Sinabi ni Go na ilulunsad ang whole-of-government approach na titiyak sa maayos na pagtugon ng gobyerno sa mga pangangailangan ng typhoon victims, gayundin sa pagbangon ng mga apektadong komunidad na matinding nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Idiniin ng senador na ang Pangulo ay hindi tumitigil sa pag-uutos sa lahat ng concerned agencies na agarang asistehan ang mga naapektuhang Filipino, gamitin ang lahat ng available resources upang maibalik sa normal ang sitwasyon sa mga winasok ng bagyo.



“Patuloy ang rescue and response operations ng military and uniformed personnel hanggang maisalba ang lahat ng nangangailangan ng saklolo. Handa rin ang mga ahensya na tulungan ang mga nasalanta at patuloy ang pagbibigay ng mga pagkain, tubig, gamot, at iba pang relief assistance at pati na rin financial aid. Sinisikap din na maibalik kaagad ang supply ng kuryente, komunikasyon at tubig sa mga apektadong lugar,” ani Go.

“Asahan po ninyo na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang makabangon kayo muli mula sa pagsubok na ito. Hindi kayo pababayaan ng gobyerno ninyo na palaging nagmamalasakit sa inyo. Magbayanihan po tayo,” giit niya.

Sina Go at Pangulong Duterte ay magkasama sa aerial inspection sa typhoon-hit areas, gaya ng Enrile, Iguig at Solana sa Cagayan province noong Linggo

Hinarap at kinausap ng Pangulo ang mga apektadong residente sa Solana bago nakipagpulong sa mga opisyal ng Tuguegarao City.

Tila hindi pa napagod, noong araw ding iyon ay tumulak ang Pangulo at si Go sa Camarines Sur. Nagsagawa rin sila ng aerial inspection sa Minalabac at Bula saka nagsagawa ng briefing sa provincial capitol kasama ang Cabinet members at local officials.



“Ang opisina ko naman po ay patuloy ang pagbibigay ng dagdag na tulong sa mga apektado nating mga kababayan, lalo na ‘yung mga kailangan ng tulong medikal,” sabi ni Go

Matatandaan na ilang beses winasiwas ng mga bagyo ang Pilipinas kahit nasa harap pa ng health crisis ang bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kabila nito, sinabi ni Go na hindi bumibitiw ang pamahalaan at lagi itong nakahandang umalalay sa mga naaapektuhan

“Our government is all hands on deck. The President is in charge and took part in the planning and preparation process,” ayon sa senador.

“We registered fewer deaths, evacuated more people, forewarned a significant number of the population and maintained safety, security, and orderliness in communities compared to similar calamities in the past,” aniya. (PFT Team)